Nakaupo
ako nagbabantay sila, ang mga aso koy laging maa-asahan. Hindi ko lang alam ang
binabantayan, ito bang puno o itong aking upuan. Itali ko kaya sa bahay ng
langgam, maglilingkod ba o maghahari-harian. Masasagot lamang ang malaking
tanong kapag ako ay nawala na ng tuluyan.
Nais
ko ng magpahinga, marami na kong nagawa
at natulungan. Akoy labis na nag-aalala, baka itong mga aso ay maulol at
magwala. Nakaupo ako naiinggit sila, silang nais na pumalit sa aking upuan
Ayokong tumayo sa upuang ito kahit itoy sinusurot at ina-anay. Ang upuang ito
ay para sa bantay ng punong ang ibinubungay kayamanan. Nangangamba ako kung
uupo sila baka ang puno ay lalong mapabayaan. Nais ko ng magpahinga, marami na kong nagawa at natulungan. Akoy
labis na nag-aalala, marami ang magtutulakan makuha lang ang aking upuan.
lyrics by: Florante
lyrics by: Florante

No comments:
Post a Comment