...noong
ako ay bata pa halos kaladkarin ko ang panahon, gusto ko na kasing tumanda
agad, pakiramdam ko kasi magiging malaya ka na kapag matanda ka na, lahat pwede
mong gawin pangit man o maganda. lahat pwede mong subukan mapait man o mapakla,
kahit sa pananamit makakapamili ka. hindi gaya ng bata pakiramdam ko lagi lang
akong nakatali sa saya ng ng aking ina, ultimo gupit o suklay ng buhok dapat
ang nasusunod ay sila. maging sa pagtulog sa tanghali kailangang sumunod sa
kanila, kahit na ang talagang gusto ko ay manghuli ng gagamba kasama ng aking
mga kababata. pero sa ayaw at sa gusto mo lalakad ang panahon, hindi nga lang
pwedeng madaliin... nag-elementari, tinuli, nagbinatilyo, nagbinata,
nagkasyota, nag-asawa ngayon may anak na... pero pagtanda ko parang
pinagsisisihan ko, kabi-kabila kasi ang sakit sa ulo! problema doon problema
dito... hindi naman sa ako ay sumusuko, lahat naman ng problema ay may
sulusyon, pero ngayong ako ay matanda na kagaya ng pinapangarap ko noon nang
ako ay bata pa, hindi pala masarap ang nasa ganitong edad, salo mo kasi lahat
ng prolema at responsibilidad. ang pagtanda pala ay hindi kalayaan kundi isang
mabigat na pakikipaglaban... ahhhhhHH! mas masarap pala talaga ang maging bata
na lang... tirador, sumpit, habulan, taguan, akyat sa puno, trumpo pati na laro
sa ulan at kung abutin ka man ng gabi sa pakikipaglaro sa mga kaibigan paguwi
mo sa bahay naihanda na ni nanay ang masarap na hapunan. pag-gising kinabukasan
ligo agad papasok na kasi sa eskwelahan, konteng sulat konteng basa mayamaya
uwian na, natipid ko kanina sa reses ibibili ng laruan paglabas ko ng paaralan,
paguwi sa bahay kasama ng mga kalaro ko meron na naman kaming bagong
paglilibangan. ngayon alam ko na ang pagiging bata pala ang tunay na kalayaan,
malaya sa kalungkutan, puro laro ang tanging alam. bumaba man ang piso o tumaas
ang krudo walang pakiaalam basta wag lang mawawala ang mga laruan.

No comments:
Post a Comment